Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 21 Sep 2024 7a.m. в хорошем качестве

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 21 Sep 2024 7a.m. Трансляция закончилась 4 часа назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 21 Sep 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Sabado ng Ika-24 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 21, 2024 Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-7. 11-13 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y tagapaghatid ng Mabuting Balita, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa! Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang. Patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw. Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay, at wala ring naririnig na kahit na anong ingay; gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig, ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig. Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. ALELUYA Aleluya! Aleluya! Mga tapat na apostol ay nagpupuri sa Poon sa langit habang panahon. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 9, 9-13 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, umalis si Hesus at sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo: nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya. Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo sa mga publikano at mga makasalanan ang inyong guro? Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Comments