У нас вы можете посмотреть бесплатно Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 20 Sep 2024 7a.m. или скачать в максимальном доступном качестве, которое было загружено на ютуб. Для скачивания выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Setyembre 20, 2024 Paggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir, San Pablo Chong Hasang, at mga kasama, mga martir Biyernes ng Ika-24 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 20, 2024 - Friday UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 12-20 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kung ipinangangaral naming si Kristo’y muling nabuhay, ano’t sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? Kung ito’y totoo, lilitaw na hindi muling binuhay si Kristo. At kung si Kristo’y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Kung magkagayon, lilitaw na kami’y mga bulaang saksi ng Diyos. Sapagkat pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Kristo ngunit lilitaw na hindi ito totoo, kung talagang di bubuhaying muli ang mga patay. Kung hindi bubuhaying muli ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Kristo. At kung hindi muling binuhay si Kristo, kayo’y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan, at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na nananalig kay Kristo ay napahamak. Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay para sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. Ngunit ang totoo, si Kristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 16, 1. 6-7. 8b at 15 Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya. Dinggin mo po, Panginoon, ang tapat kong panawagan, poon, ako ay dinggin mo, sa daing ko na tulungan; pagkat ako’y taong tapat, di nandaya kailanman, kaya ako’y sumasamong dalangin ko ay pakinggan. Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya. Ang daing ko, Panginoon, ay lagi mong dinirinig, kaya ako’y dumudulog at sa iyo humihibik; sa amin ay ipadama, yaong banal mong pag-ibig, sa piling mo’y ligtas kami sa kamay ng malulupit. Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya. Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ‘yong pag-iingat, gayun ako ingatan mo sa lihim ng iyong pakpak; yamang ako ay matuwid, ang mukha mo’y mamamalas kapag ako ay nagising, sa piling mo’y magagalak. Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya. ALELUYA Mateo 11, 25 Aleluya! Aleluya! Papuri sa Diyos Ama pagkat ipinahayag n’ya Hari s’ya ng mga aba. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 8, 1-3 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa, at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Magdalena, mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas; si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas