Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб It’s Showtime September 19, 2024 | Full Episode в хорошем качестве

It’s Showtime September 19, 2024 | Full Episode 6 часов назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime September 19, 2024 | Full Episode

Pumapatak na naman ang ulan. Dito sa ‘Showtime,’ bumubuhos ang biyaya at kasiyahan! Mula tanghali hanggang gabi, mga ganap ay pwede mong balik-balikan. Good vibes ay simulan sa isang masayang kantahan kasama si JROA. Alam n’yo ba na dati siyang “Tawag Ng Tanghalan” contestant? At isa rin siyang proud Bisdak! Kaya kung meron s’yang gagawan ng kanta sa ‘Showtime’ family, walang iba kundi ang kapwa Bisaya na si Kim Chiu. Bumisita rin ang mga bida sa pelikulang“Mujigae” na sina Alexa Ilacad at Korean actor Kim Ji Soo. At dahil may Koreano tayong bisita, to the rescue si Ryan Bang bilang interpreter. Hirit ni Ryan, baka pwedeng maka-collab ang kapwa n’ya Koreano. Game naman daw si Ji Soo. May misyon sina Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga: maghanap ng random madlang people sa Barangay Krus na Ligas, Quezon City na game maglaro ng “Throwbox” sa studio. Sampung contestants, sinubukan ang kanilang swerte. May teacher, vendor, barangay employee, customer service representative, at estudyante. Pero ang pinaka-lucky na umabante sa jackpot round ay ang teacher na si Tony. Kinabahan man sa umpisa, ginalingan naman sa dulo para makapag-uwi ng malaking papremyo. Sa ‘Super Box’ portion, kung saan pinili niya ang ‘Triple o Sawi,’ nabunot ni Tony ang tanong tungkol sa lokasyon ng pelikulang “Ploning.” At dahil nakasagot ng tama, natriple pa ang 15, 000 pesos na naipon niya sa previous round. Nag-uwi siya ng 50, 000 pesos! Nag-enjoy naman ang lahat na matuto sa mga throwback questions for today’s video. May tanong tungkol sa politics, culture, literature, at entertainment. Si Kim, binalikan ang ‘dalgona coffee’ era noong pandemya. Si Tetay naman, nag-drama dahil sa maling sagot ni Tony tungkol sa unang babaeng pangulo ng Pilipinas. At, syempre, hindi mawawala ang throwback dance lessons from Vhong Navarro. Kasinlamig ng hangin ang mga boses ng dalawang estudyanteng lumaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Unang sumabak sa entablado ang pambato ng Misamis University, si Fred Sumaylo, na hinarana ang Madlang People at mga hurado sa awiting “Just The Two Of Us.” Bukod sa singing, ipinamalas din ni Fred ang talento sa modeling. Nauwi naman sa mga pangalan ang topic, kaya ang tanong ng ‘Showtime’ family, paano naging Uldario ang pangalan ni Negi? Ang bet ng La Salle Green Hills, si Thor Valiente, black belter din sa taekwondo, kaya pati sina Tetay at Ryan ay napasabak sa isang taekwondo session. Si Thor, na kumanta ng “Falling” sa entablado, hinangaan din sa kanyang kabaitan at pagtulong sa ibang tao. Sa huli, si Thor ang hinirang na Top 1 matapos makakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nonoy Zuniga, Klarisse de Guzman, at Louie Ocampo. #ShowtimeLarongLaro #ItsShowtime #ItsShowtimeFullEp

Comments