Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Panalangin at Nobena sa Ina ng Laging Saklolo • Tagalog Novena to Our Mother of Perpetual Help в хорошем качестве

Panalangin at Nobena sa Ina ng Laging Saklolo • Tagalog Novena to Our Mother of Perpetual Help 4 года назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Panalangin at Nobena sa Ina ng Laging Saklolo • Tagalog Novena to Our Mother of Perpetual Help

Panalangin at Nobena sa Ina ng Laging Saklolo (Audio) Tagalog Novena Prayer to Our Mother of Perpetual Help (Baclaran) Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito ... (Banggitin ang kahilingan) Noong ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakamamahal na Ina bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa Kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na Ina habang kami’y nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, makapagbigay ng pag-asa sa mga dukha at walang hanapbuhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak,makiisa sa pagkilos ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila’y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa kanya. Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasa sa Iyong mapagmalasakit na pangalangin. Amen. 📄 Website: http://tagalog.awitatpapuri.com • http://www.awitatpapuri.com Awit at Papuri Communications Tagalog Catholic Mass Readings • Tagalog Gospel Reading 🌍 Web: http://www.awitatpapuri.com 🖥 Facebook:   / awitatpapuri   Awit at Papuri Communications is a Philippine-based Catholic new media organization sailing on the digital sea and giving soul to the Internet by making Jesus Christ and His Good News known to Filipinos all over the world. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Mass Readings, Prayers, Novena, Catechism and many more Catholic content!

Comments