Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 1 Oct 2024 7a.m. в хорошем качестве

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 1 Oct 2024 7a.m. Трансляция закончилась 9 часов назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 1 Oct 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Martes ng Ika-26 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. October 01, 2024 Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga UNANG PAGBASA Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Pagbasa mula sa aklat ni Job Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang. Ito ang kanyang sinabi: “Hindi na sana ako ipinanganak at sana’y hindi ipinaglihi. Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya, noong ako ay isilang niya? Bakit kaya ako ay ipinaghele pa, inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya? Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na, mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa. Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw, na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan. Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak ng ginto at nakatipon ng maraming pilak, o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak. Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan, at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay. Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang? At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan? Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan, hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan. Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan. Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan? Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Panginoong Diyos, tumatawag ako sa iyo kung araw, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan ako ay dinggin mo, pagdalangin ko ako ay pakinggan, sa aking pagdaing ako ay tulungan. Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Ang kaluluwa ko ay nababahala’t lipos ng hilahil. Dahilan sa hirap wari’y malapit nang ako ay malibing, kabilang na ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak, ang aking katulad ay ang mahina na’t ubos na ang lakas, Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay, animo’y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan. Tulad na rin ako niyong mga tao na iyong nilimot, parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot. Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim, ang hukay na yaon ay isang libingan na ubod ng dilim. Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito’y sa akin nabunton, ang aking katulad ay ang tinabunan ng malaking alon. Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. ALELUYA Marcos 10, 45 Aleluya! Aleluya! Anak ng Tao’y dumating upang sarili’y ihain; Lingkod, Manunubos natin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 9, 51-56 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Comments