Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 Sep 2024 7a.m. в хорошем качестве

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 Sep 2024 7a.m. Трансляция закончилась 3 дня назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 Sep 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Paggunita kina Papa San Cornelio at Obispo San Cipriano, mga martir Lunes ng Ika-24 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 16, 2024 UNANG PAGBASA 1 Corinto 11, 17-26. 33 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, tungkol sa mga babanggitin ko ngayon, hindi ko kayo maaaring purihin: ang inyong pagtitipon ay hindi nakabubuti kundi nakasasama. Una sa lahat, nabalitaan kong kayo’y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako’y naniniwalang may katotohanan iyon. Kailangan pang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sino ang mga tapat. Sa inyong pagtitipon, hindi Banal na Hapunan ang kinakain ninyo. Sapagkat ang bawat isa sa inyo’y nagmamadali sa pagkain ng kanyang dala, kaya’t nagugutom ang iba at ang iba nama’y nalalasing. Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? O hinahamak ninyo ang simbahan ng Diyos at hinihiya ang mahihirap? Ano ang gagawin ko ngayon? Purihin kayo? Hindi! Hindi ko kayo pupurihin! Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayun din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya. Kaya nga, mga kapatid, kapag nagkakatipon kayo upang kumain, maghintayan kayo. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Ang mga panghandog, pati mga hain, at mga hayop na handang sunugin hindi mo na ibig sa dambana dalhin, upang yaong sala’y iyong patawarin; sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin. Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto; nasa Kautusan ang mga turo mo. Ang nais kong sundi’y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.” Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Ang pagliligtas mo’y aking inihayag saanman magtipon ang ‘yong mga anak; di ako titigil ng pagpapahayag. Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Silang lumalapit sa iyo’y dulutan ng ligaya’t galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!” Ng nangaghahangad maligtas na kusa. Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. ALELUYA Juan 3, 16 Aleluya! Aleluya! Kaylaki ng pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 7, 1-10 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nang maituro ni Hesus sa mga tao ang kanyang aral, siya’y pumasok ng Capernaum. Doo’y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Hesus, nagpasugo siya sa ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Hesus na puntahan at pagalingin ang alipin. Nang makita nila si Hesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. ”Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.” Kaya’t sumama sa kanila si Hesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika! siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa niya.” Namangha si Hesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, “Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananalig.” Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Comments