Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб SABAYANG PAGBIGKAS CHAMPION - Buwan Ng Wika 2024 "Filipino, Wika Ng Saliksik" ni Jennifor L. Aguilar в хорошем качестве

SABAYANG PAGBIGKAS CHAMPION - Buwan Ng Wika 2024 "Filipino, Wika Ng Saliksik" ni Jennifor L. Aguilar 2 месяца назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



SABAYANG PAGBIGKAS CHAMPION - Buwan Ng Wika 2024 "Filipino, Wika Ng Saliksik" ni Jennifor L. Aguilar

Disclaimer: Some parts of this piece might be familiar as some choreographies are inspired by some pieces uploaded here on youtube. With that, we hope to apologise if we did not approach formally. We don't have any intention to own everything we have performed and showcased but we do revisions to have our own touch and style in delivering and expressing the piece. Thanks! Piyesa FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK Jennifor L. Aguilar Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik Pinipilit, ginigiit, sinisiksik Wikang Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig Makamit ang antas maging wika  ng saliksik Hindi mararating ni hindi maihahambing Maging higanteng wika’y suntok lamang sa dilim Hangga’t walang bait, buti at  panalanging taimtim Na gamitin sa saliksik ang wika nating angkin Sa mga paaralan, ni hindi nga pinapansin Mga guro’t administrador, napakababa siyang tinuturing Matatalinong usapin, debate’t mga sulatin Ni hindi maipilit na gamitin lang man din Sa larang-medikal, naririnig ba natin? Mga terminolohiya ng sakit at gamot na generik Hindi nga mabigkas ng pasyenteng namimilipit Kasama na niyang namatay hanggang sa makremeyt Maging sa hudikatura, may puwang bang nakalaan? Pobreng Pilipinong nasasakdal, sa Ingles pinagtatalunan Nakulong na’t lahat, nabulok sa bilangguan Hindi man lamang nakapagtanggol sa wika niyang alam. Hindi magtatagumpay at walang mararating Wikang mahal natin kung ganito itinuturing Tuluyan siyang masasadlak, mananatiling alipin Mabibilanggo’t magkakasakit hanggang tayo’y lisanin Simulang pahalagahan, gamitin nang gamitin Talastasan sa tahanan at komunidad natin Sa simbahan, paaralan, ospital o hukuman Senado at Kongreso, hanggang sa Malakanyang Itakda itong wika ng aklat at kasaysayan Agham, matematika at diskursong pangkaunlaran Itanim ito sa dila at mga kabataan Hanggang sa tumubo’t magbunga sa henerasyong dadaan Pagka’t Filipino’y wikang mabalasik Kung magpupumilit ay may makakamit Kung maggugumiit, tuluyang makasasapit Kung magsusumiksik, magiging wika ng saliksik

Comments