У нас вы можете посмотреть бесплатно SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. October 27, 2024. 7a.m или скачать в максимальном доступном качестве, которое было загружено на ютуб. Для скачивания выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) October 27, 2024 30th SUNDAY in Ordinary Time Prison Awareness Sunday || Sunday Mass UNANG PAGBASA Jeremias 31, 7-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob, ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa; magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel. Narito, sila’y ibabalik ko mula sa hilaga; titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan, kasama ang mga bulag at mga pilay, ang mga inang may pasusuhin, pati yaong malapit nang manganak; sila’y talagang napakarami! Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko. Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa maayos na landas upang hindi sila madapa. Pagkat ang Israel ay para kong anak, at si Efraim ang aking panganay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip. Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit. Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!” Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa! Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis, sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik. Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha, bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa. Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis, ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik! Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. IKALAWANG PAGBASA Hebreo 5, 1-6 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at mga hain dahil sa mga kasalanan. Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya’y mahina rin. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y maghandog ng hain, hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa kasalanan din niya. Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron. Gayun din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili sa pagiging dakilang saserdote. Siya’y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw ang aking Anak, Ako ang iyong Ama.” Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan, “Ikaw ay saserdote magpakailanman Ayon sa pagkasaserdote ni Melkisedec.” Ang Salita ng Diyos. ALELUYA 2 Timoteo 1, 10 Aleluya! Aleluya! Si Kristo ay nagtagumpay nalupig ang kamatayan nagningning ang pagkabuhay. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Marcos 10, 46-52 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba. Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo, anak ni Timeo. Nang marinig niyang naroon si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya ng ganito: “Hesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Hesus at kanyang sinabi, “Tawagin ninyo siya.” At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob,” sabi nila. “Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya.” Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Hesus. “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, “Guro ibig ko po sanang makakita.” Sinabi ni Hesus, “Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Noon di’y nakakita siya, at sumunod kay Hesus. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas