Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Tunay na "Prosperity" o Salita ng Diyos na Magpapayaman sa Iyo| Pangako ng Diyos в хорошем качестве

Tunay na "Prosperity" o Salita ng Diyos na Magpapayaman sa Iyo| Pangako ng Diyos 2 года назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Tunay na "Prosperity" o Salita ng Diyos na Magpapayaman sa Iyo| Pangako ng Diyos

Kapatid, ito ang #bible verses para sa iyo Pagbulay bulayan mo ito at iplay araw-araw para mainspire ka at maisapuso mo. Ganyan din ang ginagawa ko. Epektibo ito kesa sa anong orasyon o anting-anting na gawa ng tao na kinamumuhian ng Panginoon. Walang tatalo sa nag-iisang totoo at buhay na salita ng Panginoon. Sambitin mo ito o iplay kahit anong oras. Ako man ay nagigising at natutulog sa pakikinig sa salita ng Diyos. Panghawakan mo ang salita ng Panginoon at nawa'y makita mo at makamtam ang lahat ng kaloob niya para sa iyo ayon sa kanyang salita. Totoo ang Panginoon sa kanyang salita at tapat siya sa kanyang pangako. Isa-isip natin ang word of God kaysa sa salita ng tao. Pagpalain tayo ng Diyos Ama na may likha ng Langit at Lupa, sa pangalan ng Panginoong Jesus, Amen. Juan 15:5‭-‬10 “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin. Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo. Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga tagasunod ko kayo. Mahal ko kayo gaya ng pagmamahal sa akin ng Ama. Manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, mananatili ang pag-ibig ko sa inyo. Katulad ko, sinusunod ko ang utos ng aking Ama, kaya nananatili ang kanyang pag-ibig sa akin. #bible #salitangdiyos #tagalogprayer #tagalogprayers #motivational #jesus #prosperity #scripture #bibleverses #bibleverse #blessed

Comments