У нас вы можете посмотреть бесплатно Wag Ako - Crystel Bars или скачать в максимальном доступном качестве, которое было загружено на ютуб. Для скачивания выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru
Wag ako Mahal naaalala mo pa ba kung pano tayo nagsimula Sa kung paanong ang ngiti sa ating mga labi ay di mabura bastat tayoy magkasama Sa kung paanong ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit Nagpapagaan sa lahat ng bigat na aking pasan At bumubuo sa araw kong kulang kulang Mahal naaalala mo pa ba ang bawat saya Bawat away na ating nalampasan dahil mahal natin ang isat isa Bawat luha na pareho nating pinunasan dahil di kita kayang mawala at ganon ka din diba? Kaya nga tayo nagtagal Kaya nga tayo nagtagal ng pansamantala Pero mahal naaalala mo din ba nung una mo syang nakilala Nung unang beses kayong nagkasama Noong nag uusap kayo ng masaya na parang kayo lang dalawa Na parang walang ako, walang tayo sa mundo nyo Mahal naaalala mo pa ba ang una kong pag iyak nang dahil sa kanya Malamang hindi Malamang hindi, hindi dahil sa nakalimutan mo na o meron kang amnesia Malamang hindi dahil pinilit kong ilihim ang sakit Pinilit kong sarilihin ang pait ng selos at pagkainggit dahil mukang meron ng papalit Mali mali, dahil mukang meron ng pumalit sa pwesto ko sayo Hanggang sa hindi ko napigilan Tinanong kita " may gusto ka ba sa kanya?" Pero sabi mo, "ano ba? Kaibigan ko lang sya" Mahal naman, hindi ako tanga Hindi ako tanga para hindi malaman ang espesyal sa kaibigan lang Hindi ako bulag para hindi makita ang saya sa iyong mga mata Dahil tila may kakaiba pagdating sa kanya Pero naniwala pa rin ako Naniwala pa rin ako na wala lang lahat sa inyo Ang pagtiis mo sakin na hindi ako kausapin habang kausap mo sya Oo wala lang yon Ang pagpupuyat mo gabi-gabi at pag abot nyo ng umaga sa pagkukulitan sa mga bagay bagay na pagkakapareho nyo pala Oo wala lang yon Ang pagbabahagi mo sa kanya ng paborito mong kanta habang sabay kayong nag aaliw sa musika Oo wala lang yon Wala lang lahat ng yon dahil gaya ng sabi mo Kaibigan mo lang sya at ako ay hindi dapat mangamba Siguro nga masyado lang akong malisyosa Para pag isipan kayo ng hindi maganda Kaya nais kong humingi ng tawad sayo at sa kanya Patawad kung nasaktan ako noong nakita ko na mas kaya nya ang pasayahin ka Patawad kung nagalit ako at nagselos noong nabubuo nya ang araw mo kahit magulo tayo At patawad kung kinailangan ko nang sumuko sa laban ng pag ibig nato dahil alam kong ako na ang talo At ngayon kung magbabago man ang ikot ng mundo At isasabihin mong mahal mo pa ako At itatanong mo sa akin kung pwede pa ba tayo At hihilingin mong bumalik ako sayo Pakiusap lang wag na ako Kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo Wag ako Wag ako hindi dahil sa mas kaya nyang pasayahin ka Hindi dahil sa mas maganda sya Hindi dahil sa mas matalino sya O mas magaling sa larangan ng musika Kung sa tingin mo na ang isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo Wag ako Wag ako hindi dahil sa hindi kita kayang panindigan Wag ako kahit sobra kitang pinaglaban Wag ako hindi dahil sa hindi ko sya kayang tapatan Wag ako hindi dahil sa hindi ko sya kayang higitan Kung sa tingin mo meron kang isang taong kailangan pang ipaglaban Pakiusap lang wag ako Wag ako hindi dahil sa hindi ako si Basha sa second chance O dahil sa hindi na kita gusto at ayoko na sayo Wag ako dahil hindi mo naman kailangan mamili sa'ming dalawa Dahil kung ako talaga Sa umpisa palang, ako lang sana Wag ako Dahil di mo naman ako dapat balikan Dahil ako ang sumuko at nag iwan Pero sana hindi mo ko binigyan ng dahilan Wag ako Dahil ayokong maging nakaraan muli sa iyong kinabukasan Wag ako Dahil ayoko nang mawasak muli sa parehong paraan Ayoko nang umiyak sa paulit ulit na dahilan Dahil kinaya ko na Kinaya ko na ang mabuong muli ng sarili ko lang Kaya mahal pakiusap ko sayo, wag ako.