Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб #readthescriptures в хорошем качестве

#readthescriptures 5 дней назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



#readthescriptures

Exodus 24 Tinanggap ng mga Israelita ang Kasunduan ng Panginoon Exodus 24:1-18 1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka rito sa akin at isama mo sina Aaron, Nadab, Abihu at ang 70 tagapamahala ng Israel. Sa malayo mo sila pasambahin sa akin. 2Ikaw lang, Moises, ang makakalapit sa akin, ang ibaʼy hindi na maaaring makalapit sa akin. Hindi dapat umakyat dito ang mga tao kasama mo.” 3Nang sinabi ni Moises sa mga tao ang lahat ng itinuro at iniutos ng Panginoon, sabay-sabay silang sumagot, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Panginoon.” 4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, bumangon si Moises at nagpatayo ng altar sa may paanan ng bundok, at naglagay siya ng 12 haliging bato na kumakatawan sa 12 lahi ng Israel. 5Pagkatapos, inutusan niya ang mga kabataang lalaki na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mag-alay din ng mga toro bilang handog para sa mabuting relasyon sa Panginoon. 6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at iwinisik sa altar ang kalahati. 7Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot ang mga tao, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Susundin namin siya.” 8Pagkatapos, kinuha niya ang dugo sa mga mangkok at iwinisik ito sa mga tao, at sinabi, “Ito ang dugo na nagpapatibay sa kasunduan na ginawa ng Panginoon sa inyo nang ibigay niya ang mga utos na ito.” 9Pumunta paakyat sa bundok sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu at 70 tagapamahala ng Israel, 10at nakita nila ang Dios ng Israel. Sa paanan niya ay may parang daan na gawa sa batong safiro na kasinglinaw ng langit. 11Kahit nakita na ng mga pinuno ang Dios, hindi sila pinatay ng Dios. Kumain pa sila at uminom doon sa kanyang presensya. 12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pumunta ka rito sa akin sa itaas ng bundok at maghintay, dahil ibibigay ko sa iyo ang malalapad na batong sinulatan ko ng mga kautusan at batas ko para ituro sa mga tao.” 13Kaya umakyat si Moises sa bundok kasama ang lingkod niyang si Josue. 14Bago sila umakyat, sinabi ni Moises sa mga tagapamahala ng Israel, “Hintayin nʼyo kami rito hanggang sa makabalik kami. Maiiwan dito sina Aaron at Hur, at kung may problema kayo, lumapit lang kayo sa kanila.” 15Pagdating ni Moises sa itaas ng bundok, natakpan ng ulap ang bundok. 16At bumaba ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa Bundok ng Sinai. At sa loob ng anim na araw, natakpan ng ulap ang bundok. Sa ikapitong araw, tinawag ng Panginoon si Moises mula sa ulap. 17-18Kaya pumasok si Moises sa ulap habang papaakyat pa siya sa bundok. Nagpaiwan siya roon sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Para sa mga Israelitang nasa ibaba, parang apoy na naglalagablab ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa tuktok ng bundok. ______________________________________________ #faith​​​ #religion​​​ #readthebible​​​ #ilovebiblereading​​​ Read the Scriptures Highlight ⊕ Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3) Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong JesuCristo sa tulong ng Espiritu. Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan. _______________________________________________ Pahayag 22:18​​​-21 18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito. 19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito. 20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.” 21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus. _______________________________________________ Disclaimer: Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay may pahintulot ng mga tauhan sa nasabing video clip na pagaari ng isang App. Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo. Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman. Read the Scriptures 09252024

Comments